Marikina river, nasa 17-meters na, ikatlong alarma, hindi pa rin itinataas

Marikina river, nasa 17-meters na, ikatlong alarma, hindi pa rin itinataas

July 22, 2018 @ 9:59 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines –  (As of 9: 40am)Lumagpas na sa 17-meter mark ng tubig sa Marikina River matapos ang walang tigil na pag-ulan sa Metro Manila, ngayong Linggo (July 22).

Kahit na ang tubig ay umakyat na sa 17.4 metres, pinanatili pa rin ng mga lokal na awtoridad ang ikalawang alarma.

May kaakibat na aksiyon ang bawat alarma na itinalaga ang mga awtoridad ng Marikina City. Sa Alarm Level 1 (15-meters) inaalarma ang mga residente para manatiling alerto, Alarm Level 2 (16 meters), pinaghahanda ang mga residente para sa voluntary evacuation kapag tumunog na ang Alarm Level 3 (17 meters) habang sa Alarm Level 4 (18 meters) dito na magkakaroon ng forced evacuation.

Kahit na hindi itinaas sa ikatlong alarma sa Marikina river, dakong alas-6:15 pa lamang ng umaga, nasa 100 ng residente ang lumikas at nagtungo sa Malanday Elementary School.

Ayon sa mga residente, lumikas sila matapos abutin ng tubig baha ang kanilang mga bahay.

Patuloy na binabantayan ang lebel ng tubig sa Marikina River at patuloy na naka-live sa social media. (Remate News Team)