Marikina river nasa 2nd alarm na, mga residente pinayuhang lumikas

Marikina river nasa 2nd alarm na, mga residente pinayuhang lumikas

July 17, 2018 @ 3:23 PM 5 years ago


 

Marikina City – Pinayuhang lumikas nang lumikas ang mga residente malapit sa Marikina River matapos itaas sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig, Martes ng hapon (July 17) dahil sa tuloy-tuloy na bagsak ng ulang dulot ng habagat.

Tumaas ang tubig sa 16 meters, kaya’t pinayuhan na ang mga residenteng lumikas sa mga evacuation centers.

Pinangalanan naman ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, sa isang panayam, ang mga bahaing lugar sa siyudad na kinabibilangan ng Tumana, Malanday at Nangka.

Dagdag pa niya, magsisilbing evacuation center ang mga paaralan na nauna nang inihanda kaninang umaga.

Patuloy naman na binabantay ng lokal na gobyerno ang lebel ng tubig sa Marikina river matapos ianunsyo ng PAGASA na patuloy na bubuhos ang ulan sa Metro Manila.

Kung tataas ang lebel ng tubig sa 18 meters, magsasagawa na ng forced evacuation ang lokal na gobyerno sa mga mababang lugar sa siyudad. (Remate News Team)