Marikina River nasa ikalawang alarma na sa bagyong Paeng

Marikina River nasa ikalawang alarma na sa bagyong Paeng

October 29, 2022 @ 3:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinaas na sa ikalawang alarma ang babala sa Marikina River.

Ito ay dahil umabot na sa 16.2 metro ang lebel ng tubig sa nasabing ilog ayon sa anunsyo ng Marikina City public information office, 2:15 p.m. ng Sabado, Oktubre 29.

Dahil dito ay kailangan nang buksan ang lahat ng walong gate ng Manggahan Floodway at hudyat na rin na ang mga residente ay dapat maghanda sa posibleng paglikas.

Matatandaan na tanghali ng Sabado, Oktubre 29 ay naglabas ng Red Rainfall Warning ang PAGASA sa Metro Manila at karatig-lalawigan sa malakas na ulan dulot ng bagyong Paeng. RNT/JGC