Marikina River, nasa ikalawang alarma na

Marikina River, nasa ikalawang alarma na

August 11, 2018 @ 4:46 PM 4 years ago


 

Marikina City – Itinaas na sa ikalawang alarma ang Marikina river, Sabado ng hapon matapos pumalo sa 17 meters ang taas ng tubig dito.

Ayon sa Marikina Public Information Office, dakong 3:22 ng hapon itinaas ang alarma hudyat para ilikas ang mga residente malapit sa ilog.

Sa monitoring ng Marikina Rescue 161, hindi madaanan ng anumang sasakyan ang Lilac Corner Olive Street habang may walong pulgada namang tubig sa Marikina bridge loop.

May mga inihandang evacuation centers ang Marikina City para sa mga apektado ng malakas na ulan at baha. (Remate News Team)