Marikina River paluluwagan para mabawasan ang pagbaha- Cimatu

Marikina River paluluwagan para mabawasan ang pagbaha- Cimatu

November 22, 2020 @ 3:59 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Environment Secretary Roy A. Cimatu na dapat paluwagan ang Marikina River para mapataas ang kapasidad nito sa pagsalo ng baha matapos bahain ang Marikina City at kalapit na lugar makaraang hagupitin ng bagyong Ulysses.

“Marikina River has to be widened to reduce the risk of flooding in the area,” ayon kay Cimatu sa pagbisita nito sa Marikina City nitong nakalipas na Sabado (Nov. 21), tatlong araw matapos si President Rodrigo Roa Duterte ay italaga siya bilang chair ng task force in charge para sa pag- rehabilitate ng mga lugar na hinagupit ng nakaraang bagyo.

Sinamahan si Cimatu ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro makaraang ilibot siya sa Provident Village, subdivision sa lungsod sa lugar ng Marikina River.

Nakita ng environment chief na lubhang mababaw na ang ilog ng Marikina dahilan para irekomenda nito ang pagpapalapad ng ilog.

“We could increase the volume capacity of the river by implementing the easement law,” ayon kay Cimatu.

Ang Presidential Decree 1067, na mas kilala bilang Philippine Water Code, ay nangangailangan na ang pagpapalapad ng riverbank ng three meters sa urban areas.

“Aside from the three-meter easement provided under the law, Marikina City also came up with an ordinance increasing the easement to 40 meters both sides,” dagdag pa ni Cimatu.

Bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Marikina River sinabi ni Cimatu na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay masusing pinag-aaralan ang pagpapalapad sa Marikina River batay sa data mula sa National Mapping and Resource Information Authority.

“We will look into the old river and how the river became narrower through the years,” ayon pa kay Cimatu.  “We will restore the original width of the Marikina River.”

Kaugnay nito sinabi ni Cimatu na ang DENR  ay tinitignan ang reklamo ng Marikina City government hinggil sa umano’y reclamation project sa kahabaan ng Marikina River na hindi kumuha ng environmental compliance certificate (ECC)  mula sa environment department.

“Definitely, there should be no reclamation.  I will really implement the easement law,” ani pa ni Cimatu.  Santi Celario


  •  
  •  
  •  

Loading...