MARINA nilinaw na walang kakulangan sa SRB, SID

MARINA nilinaw na walang kakulangan sa SRB, SID

November 13, 2022 @ 11:43 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Maritime Industry Authority o MARINA na walang kakulangan o shortage sa  Seafarers’ Record Books.

Gayunman may hamon ayon sa MARINA para sa paglalabas ng SID cards.

Ang pahayag ng MARINA ay kasunod ng ulat na mayroong shortage sa SID (Seafarer Identity Document) kaya may kakulangan din sa Seamans Book.

Ayon sa MARINA, may inaasahang delivery ng mga SID card sa Disyembre at inaasahang tataas ang antas ng pag-iisyu ng SID nito sa sandaling dumating ang mga suplay sa bansa.

Ang pagkaantala sa delivery ay nauugnay sa pandaigdigang kakulangan ng mga chips bilang resulta ng pandemya sa kalusugan at kasalukuyang sitwasyon ng seguridad sa Silangang Europa

Prayoridad naman umano ang issuance ng SID cards sa mga seafarers na sasampa na ng barko.

Tiniyak ng MARINA na ang mga Marino na paalis na ng bansa ay mabibigyan ng nasabing dokumento.

“MARINA assures that our seafarers due for deployment are issued these documents (SRB and SID cards). Hence, the need to control our issuances, at this point in time.”

Dagdag pa ang mga Manning Agencies ay binigyan ng isang mabilis na link para sa agarang pagproseso ng mga SRB at SID card ng kanilang mga marino dahil ang parehong mga dokumento ay kailangang mailabas nang magkasama. Jocelyn Tabangcura-Domenden