Maris, nag-shopping sa ukay-ukay sa LA, namahalan!

Maris, nag-shopping sa ukay-ukay sa LA, namahalan!

October 3, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


Los Angeles, USA – Aminado si Maris Racal na isa siyang tagatangkilik ng mga ukay-ukay.

Sa katunayan, nakakarating pa raw siya hanggang Baguio in search of best buys.

‘Ika nga, ‘yung de kalidad kahit secondhand pero mabibili sa murang halaga.

Kaya naman noong magkaroon ng spare time, nagpatulong si Maris sa isang kaibigan para maglagalag sa Los Angeles palibhasa first time niya roon.

Target niya ang mga ukay-ukay roon.

First stop was a thrift shop named Wasteland kung saan may nakursunadahan siyang Gucci jacket.

Kaso, tumataginting na US$2,000 ang presyo nito.

Pangrampa raw ito sa mga runaway, pero magkano ‘yon sa peso?

Ang ending: hindi na lang niya ito binili at lumipat sa ibang tindahan.

Next stop was at Rock Etiquette na ayon sa paglalarawan ni Maris ay nagbebenta ng mga kasuotang bagay raw isuot sa programang ASAP Natin ‘To.

Pero sa halip na damit ay heels daw ang nabili niya roon.

Hindi na nga lang binanggit ni Maris kung branded ba ‘yon at kung magkano.

Nais lang sabihin ni Maris na hindi porke isa siyang celebrity ay hindi niya tinatangkilik ang mga ukay-ukay.

Talk about wise spending. Ronnie Carrasco III