‘Marites’ kritikal sa kapitbahay

‘Marites’ kritikal sa kapitbahay

April 4, 2022 @ 1:00 PM 3 months ago


LASAM, Cagayan- Kritikal sa ospital ang isang babaeng umano’y ‘marites’ matapos pagtatagain ng kanyan kapitbahay ng ipagkalat ng una marumi ang panindang pagkain ng ina ng huli, Linggo sa bayang ito.

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang biktimang si Patricia Abubacar, 32 anyos habang nadakikp naman ang suspek na si Roel Orpilla, 30 anyos kapwa residente Brgy. Gabun, Lasam, Cagayan.

Batay sa report ng Lasam Municipal Police Station, lasing ang suspek ng sugurin nito ang biktima para komprontahin hinggil sa paninira nito sa kanilang paninda na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito, kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naman isinugod sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas ang mga tinamong sugat habang nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Nabatid, bago ang insidente mayroon ng pag-uusap sa barangay ang biktima at ang nanay ng biktima hinggil sa paninirang ginawa ni Abubacar sa panindang nilang street foods.

Nahaharap ngayon sa kasong Frustrated murder si Orpilla./Mary Anne Sapico