Marites vs. durugista ikinakasa

Marites vs. durugista ikinakasa

May 24, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matunog ang usap-usapan sa lungsod ng Valenzuela na may mga sektor na nagtutulak na bigyan ng pabuya ang mga tsismosa o mas kilala sa kasalukuyan na mga “Marites” na makapagbibigay ng tamang  impormasyon ukol sa mga sangkot sa droga.

“Kung may pabuya na para sa makapagtuturo ng mga nagtutulak, dapat dagdagan, nang yung mga Marites mas ganahan…ganahang magbigay ng tamang impormasyon para masupil ang droga,” ani Mang Tiago ng Barangay Marulas.

“Kahit parang paghinga na sa kanila ang pagiging tsismosa, pihadong mas gaganahan ang mga ‘super spreaders’ na ito kapag may naghihintay na pabuya, o daragdagan ang pabuya,” sabi naman ni Mang Benito ng Parada.

Gayunpaman, dapat umanong sampahan ng mas mabigat na kaso at patawan ng mas mabigat na parusa ang ‘Marites’ na magbibigay ng pekeng impormasyon.

Ito ay dahil umano kaawa-awa naman ang mapagbibintangang sabit sa droga gayong hindi naman.

Maliban dito, magiging malaking abala at posible pang mapahiya ang mga pulis na magsasagawa ng anti-drug operation kung huwad ang taglay nilang impormasyon. Merly Iral