Mariveles, Bataan ‘very high risk’ sa COVID – OCTA

Mariveles, Bataan ‘very high risk’ sa COVID – OCTA

July 12, 2021 @ 4:57 PM 1 year ago


MANILA, Philippines — Minarkahan ng OCTA Research Group bilang COVID-19 “high-risk areas” sa labas ng National Capital Region ang Mariveles, Bataan.

Ayon sa pinakahuling ulat ng OCTA, sumirit sa 2.53 percent ang COVID-19 reproductive rate ng Mariveles.

Kumpara ito sa 1.39 percent lang noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos na makapagtala ng 218 dagdag na bagong kaso ng COVID-19 nitong Hulyo 11.

Ito ay 61% na mas mataas kumpara sa average noong nakaraang linggo.

Tumaas din ang incidence rate sa 35.67 per 100,000 per day na itinuturing ng OCTA na sobrang taas.

Wala rin umanong intensive care unit sa Mariveles dahil dito ay maituturing na “very high-risk,” ang lugar, ayon pa sa OCTA.

“If the increase in new cases is merely a clustering due to delays in reporting of testing laboratories, data in the next few days will confirm this,” anang OCTA Research.

Sa kabilang banda, ayon sa OCTA na naitala rin ang very high reproduction numbers sa Cebu City at Lapu Lapu (1.41 at 1.74 base sa pagkakasunod). RNT