Marjorie, naglabas ng katibayan; relasyong Julia at Gerald, buo pa!

Marjorie, naglabas ng katibayan; relasyong Julia at Gerald, buo pa!

September 7, 2022 @ 9:50 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi na nakatiis si Marjorie Barretto na kinailangang maglabas ng ebidensya na ang anak niyang si Julia at Gerald Anderson ay magnobyo pa rin.

Sampal ito sa mga nagpupumilit na hiwalay na o nagkakalabuan ang magkasintahan.

Nauugnay kasi si Gerald sa leading lady nitong si Kylie Padilla.

But Kylie swore there’s no truth to it. Kadiri nga raw ang tsismis.

Sa isang banda, Marjorie had to expose one piece of evidence to prove that all’s well between Gerald and her daughter.

Nagpost si Marjorie ng litrato sa Instagram kung saan makikitang kasama ni Gerald si Julia at family members nito sa isang event.

Nilakipan niya ito ng caption na: “Real friends are my children. Best people ever.”

Nagpost din si Julia ng picture ng double date nila ni Gerald with another pair.

Well, this should put to rest speculations tungkol sa kritikal na relasyon nina Julia at Gerald.

No one else can be more discerning than the mother of either party.

After all, may kasabihang “Mother knows best.” Ronnie Carrasco III