Mark Anthony, aminadong mahal pa rin si Claudine!

Mark Anthony, aminadong mahal pa rin si Claudine!

January 15, 2022 @ 12:51 PM 7 months ago


Manila, Philippines – “Yes, I still love Claudine!”

Proud at deretsahang statement ni Mark Anthony Fernandez sa isang interview para sa upcoming movie nila ni Claudine Barretto, “Deception” directed by Joel Lamangan.

Pero may pag-bawi!

“As an actress. As a friend,” pagpapatuloy ng aktor.

Pag-amin nito, hindi nawala ang pagka-crush niya kay Claudine after all these years. At kahit ano aniya ang maging sitwasyon ay mananatili itong crush niya.

Reunited ang dalawa sa movie after 27 long years. It was 1995 when they had their last movie together which was “Mangarap Ka”.

Bukod dito, hindi pa rin nagbago ang term of endearment ni Mark kay Claudine which is ‘Boss’ that the actress find nakakatuwa and nakakaaliw.

Mukhang maraming memories ang nagbalik dahil sa balik tambalan nila.

Napa-isip tuloy ang dalawa, ano kaya ang magiging itsura ng mga anak nila kung nagkatuluyan sila? Paula Jonabelle Ignacio