Mark Anthony Fernandez, patay sa sekyu

Mark Anthony Fernandez, patay sa sekyu

January 28, 2022 @ 9:02 AM 8 months ago


CAGAYAN DE ORO CITY –PATAY ang isang lalaki na kapangalan ng artista matapos pagbabarilin ng security guard kagabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Fernandez, nasa hustong gulang at residente sa Purok 6, Sitio Baloy, Brgy Tablon ng naturang lungsod.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Edwin Molejon, 47 anyos, at nakatira sa nasabing lugar.

Batay sa report ng CDO-PNP, naglalakad ang biktima sa labas ng bahay nito ng bigla na lamang siyang pinagbabaril ng suspek gamit ang .38 caliber revolver.

Tinamaan ang biktima sa likod na tumagos sa dibdib na naging sanhi ng agaran kamatayan nito.

Sa paunang imbestigasyon, selos ang motibo sa krimen sa hinalang may relasyon umano ang biktima sa asawa ng suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang suspek./Mary Anne Sapico