Mark Herras, idinaan sa suka ang isyu ng pangungutang!

Mark Herras, idinaan sa suka ang isyu ng pangungutang!

September 15, 2021 @ 12:00 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa pag-inom na lang ng suka idinaan ni Mark Herras ang sagot niya sa isang game na may bahagyang kinalaman sa kanila ng dating manager na si Lolit Solis.

Sa September 12 vlog ng aktor, naglaro sila ni Eric Fructuso ng game na Sagot o Lagot, kung saan ang hindi makakasagot sa tanong ay obligadong uminom ng suka.

Ang tanong kay Mark ay kung magkano ang pera niya sa banko.

“Thirty thousand,” pabirong sagot niya, na may reference sa P30,000 na hiniram niya kay Lolit pambili ng gatas ng anak niya.

Matatandaang ibinuko ni Lolit sa online show nito noong July 27 ang pagtawag ni Mark sa kanya para mangutang. Katakut-takot na pang-aalipusta ang inabot niya kay Lolit who resigned as Mark’s manager two days later.

Mas pinili ni Mark na uminom ng suka, “Iinom na lang ng suka para walang isyu.”

Pero giit ni Mark sa seryosong tono, “Ang anak ko, may pera sa banko.”

Ang tinutukoy niya’y si Baby Corky, anak niya kay Nicole Donesa. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •