Mark, kinuyog ng mga beki na nagpapautang!

Mark, kinuyog ng mga beki na nagpapautang!

September 14, 2021 @ 5:59 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hindi man mga indecent proposal na matatawag pero papunta na rin daw doon ang mga direct messages (DMs) na natanggap ni Mark Herras matapos ibunyag ni Lolit Solis na nangungutang siya rito ng P30,000 pambili ng gatas ng anak.

Pag-amin ng natatawang si Mark, dinagsa raw siya ng mga bakla na nag-aalok ng tulong pinansyal.

“Hi, Mark, can I help?” ang isa sa mga DMs na natanggap ni Mark bukod sa paanyaya na mag-date sila ng ibang sender.

Pero ani Mark, “Hindi naman indecent proposal but it’s going there.” Na-appreciate naman daw niya ang thought na concerned lamang ang mga ito lalo’t involved ang anak niya.

Matatandaang isiniwalat ni Lolit ang pangungutang ni Mark sa kanya sa online program nito. Bagama’t pinautang din ni Lolit ang noo’y alaga pa niya, katakut-takot munang pang-aalipusta ang inabot ng aktor.

Si Mark ay may anak kay Nicole Donesa, si Baby Corky na pitong buwang gulang pa lang. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •