Kakulangan sa nars tutugunan ng CHED

March 30, 2023 @9:49 AM
Views: 9
MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission of Higher Education (CHED) na gumagawa na sila ng hakbang upang tugunan ang kakulangan sa mga nurse sa bansa dahil sa pangingibang-bansa.
Ani CHED Chairperson Prospero De Vera, gumagawa na ng ilang interbensyon ang ahensya upang mapigilan ang shortage sa mga nurse, katulad ng “retooling board non-passers, adopting nursing curriculum with exit credentials, redirecting non-practicing nurses and conducting exchange programs with other countries.”
“Under the nursing curriculum with exit credentials, students could have several options: exit at the end of Level I or II, obtain the certificate or diploma in Nursing, or choose to continue and finish the four-year nursing program to become a registered nurse,” iniulat ni De Vera sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Health Sector group.
Aniya, sinusubukan na rin ng CHED ang flexible short-term masteral program upang masolusyunan ang kakulangan sa mga magtuturo sa nursing at medical schools.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang CHED na resolbahin ang kakulangan ng mga nurse sa bansa na nakaaapekto sa pagbibigay ng epektibong healthcare.
Para naman sa Department of Health (DOH), kasalukuyan nilang sinusuri ang panukalang batas na Magna Carta for Public Health Care Workers and Philippine Nursing Act, kabilang ang pag-aaral sa standardization ng sahod ng mga nurse, doktor at iba pang healthcare workers.
Tututukan din nito ang mga bagong teknolohiya na magagamit sa liblib na lugar.
Matatandaan na sinabi noon ng DOH na nangangailangan ang bansa ng 35,000 na mga nurse. RNT/JGC
184 dagdag-kaso ng COVID naitala!

March 30, 2023 @9:36 AM
Views: 7
MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Marso 29 ng 184 bagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito ay umakyat sa 8,626 ang aktibong kaso ng sakit.
Kasabay nito ay umakyat din sa 4,080,732 ang nationwide caseload.
Samantala, iniulat din ng DOH na umakyat naman sa 4,005,747 ang recovery tally habang umakyat naman sa 66,359 ang death toll sa walong bagong nasawi.
Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa
714, sinundan ng Davao Region sa 325 kaso, Northern Mindanao sa 287, Calabarzon sa 247, at Soccsksargen sa 170.
Hanggang nitong Lunes ay mayroon namang 3,719 COVID beds ang okupado, habang nasa 20,429 ang bakante sa bed occupancy sa bansa na 15.4%. RNT/JGC
Villanueva tiwalang susuportahan ng mga senador sa hirit na POGO ban

March 30, 2023 @9:23 AM
Views: 21
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa si Senate Majority Leader Joel Villanueva na susuportahan ng mga kasamahang senador ang report ni Senate ways and means committee chairman Sherwin Gatchalian na nagrerekomendang agaran nang ipagbawal ang
Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
“I have to say that I am confident with my colleagues that if they get a chance to really read into the committee report of Senator Gatchalian, they will sign,” ani Villanueva sa panayam.
Bagama’t batid niya na ang ilang mga kasamahan ay may reservations, tiwala ito na makakakuha ng sapat na pirma ang report para isponsoran sa deliberasyon sa Senado.
“I think it’s quite clear among all of us in the Senate, the majority of the members of the Senate are not in the dark in so far as [the] wicked effects of POGO is concerned,” ani Villanueva.
Pagdating naman sa epekto sa ekonomiya, sinabi ng senador na naniniwala siyang matutugunan ng Retail Trade Liberalization Law at pag-amyenda sa Public Services Act ang mawawalang kita sa pagbabawal ng POGO sa bansa.
“All things considered, this representation still firmly and undoubtedly believes that there are things that we are better off without, and these include POGOs,” sinabi ni Villanueva.
Nitong Martes, Marso 28, sinabi Gatchalian na inaasahan niyang isponsoran ang report ng Senate committee on ways and means kaugnay sa POGO, sa pagbabalik ng sesyon lalo’t marami nang senador ang pumirma dito matapos ang kanyang privilege speech. RNT/JGC
Pope Francis naospital sa respiratory infection – Vatican

March 30, 2023 @9:10 AM
Views: 24
VATICAN CITY – Dinala sa isang ospital sa Rome si Pope Francis, 86-anyos dahil sa respiratory infection dahilan para kinailangan muna niyang mamalagi sa ospital ng ilang araw.
“In recent days Pope Francis has complained of some breathing difficulties,” sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni sa isang pahayag.
Ang Papa ay dinala sa Gemelli hospital para sa ilang medical checks kaugnay ng isang “respiratory infection… that will require a few days of appropriate hospital medical treatment”, ani Bruni.
Bago nito ay sinabi na ng Vatican na dinala si Pope Francis sa ospital “for some previously scheduled checks.”
Ito na ang ika-10 taon ng panunungkulan ni Pope Francis bilang pinuno ng Simbahang Katolika, kung saan kamakailan ay nakita pa siyang nakikisalamuha sa publiko.
“Pope Francis is touched by the many messages received and expresses his gratitude for the closeness and prayer,” pahayag pa ni Bruni.
Ayon sa source sa Vatican, kinansela na ang mga appointments ng Santo Papa na nakatakda Huwebes ng umaga, Marso 30, oras sa Vatican. RNT/JGC
10 patay sa nasunog na passenger vessel sa Basilan – PDRMMO

March 30, 2023 @8:57 AM
Views: 27