Mark Sangiao nagsalita na sa pag-alis ng fighter sa Team Lakay

Mark Sangiao nagsalita na sa pag-alis ng fighter sa Team Lakay

March 16, 2023 @ 2:13 PM 7 days ago


MANILA, Philippines – Nagsalita na ang head coach ng Team Lakay na si Mark Sangiao hinggil sa pag-alis ng kanyang apat na dating world champion na sina Eduard Folayang, Kevin Belingon, Honorio Banario, at Joshua Pacio.

Si Folayang, dating ONE lightweight world champion na itinuring na mukha ng mixed martial arts ng Pilipinas, ay yumanig sa local MMA landscape nang ipahayag niya ang kanyang pag-alis sa Team Lakay noong nakaraang linggo.

Sinundan ang  kanyang anunsyo nina Belingon, Banario, at Pacio ayon sa pagkakasunod-sunod, na tila napag-usapan sa likod ng mga closed door ayon kay Sangiao.

“Matagal na tayong magkasama. Tapos napansin kong nilalamig sila sa training. Tinawagan ko sila para magsalita para mapag-usapan natin ang problema. Dumating ang punto na gusto na nilang umalis. Nakakalungkot pero desisyon nila kaya wala akong magagawa,” ani Sangiao.

 “Mahirap at malungkot. Nagkaroon kami ng closed-door meeting kasama ang grupo at sinabi sa kanila na ito na. Batay sa kasaysayan, minsan kahit ang mga pamilya ay kailangang maghiwalay,” dagdag niya.

“It was a amicable separation. There was acceptance, that was when I [accepted] the fact that people come and go sometimes,” kwento pa ni Sangiao

Sinabi rin ni Sangiao na patuloy niyang ninanais ang magandang kapalaran para sa umalis na fighter.

Nauna nang sinabi ni Belingon na naging positibo ang pag-uusap nila ni Sangiao at “nagtapos sila sa isang magandang tala”. Nagpahayag din siya ng pasasalamat para kay Sangiao at nanalangin sa Team Lakay.RCN