Markadong tulak timbog sa P499K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Markadong tulak timbog sa P499K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

July 22, 2022 @ 3:03 PM 4 weeks ago


Bulacan- Nasa P499,188 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa 36-anyos na lalaking pinaghihinalaang tulak sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Baliwag.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Charlie Cabradilla ang suspek na si Joselito Dela Cruz ng Brgy. Poblacion na kabilang sa PNP-PDEA Unified Watchlist.

Sa report ni Baliwag Acting chief of police, PLTCOL Julius Alvaro, ikinasa nila ang operasyon laban sa target kasama SOU3 at PNP DEG bandang alas-6:20 ng umaga nitong Hulyo 22  sa naturang lugar.

Aniya, naaresto ang target matapos mabilhan ng sachet na pinaghihinalaang shabu ng undercover police.

Nakumpiska sa operasyon ang 18 sachet na pinaghihinalaang shabu kabilang ang buy-bust item na tumimbang ng 73.41 grams at may street value na P499,188 at buy-bust money.

Nahaharang ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III