Markki Stroem, may payo sa mga taong may ADHD!

Markki Stroem, may payo sa mga taong may ADHD!

June 1, 2022 @ 2:34 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nagsalita na ang aktor na si Markki Stroem tungkol sa pagkakaroon niya ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).

“My ADHD was such a detriment sa akin dati. Nahirapan talaga akong mag-memorize ng lines, mag-focus.

“Pero dahil love ko ang ginagawa ko, especially sa lahat ng mga ADHD people who were suffering, people in the spectrum who have the problem of lack of focus, it’s something that you can train on a regular basis.

“If some people will sit and memorize their lines like mabilisan lang, ako, if I get my script in advance every day, babasahin ko ‘yun,” sabi ni Markki sa mediacon ng Vivamax original series Love at The End of the World.

Inamin din ni Markki na nahihirapan siyang makisama sa mga tao dahil sa kanyang sakit.

“Trying to deal with people is harder for me. Medyo sumasabog ako na mas mabilis because sometimes, there are so many things happening at ang daming tao sa paligid ko na nahihirapan akong mag-focus.

“And because of that, minsan, nag-i-snap ako. Nangyayari ‘yun.”

Aminado si Markki na nagkaroon siya ng trauma dahil sa kanyang personality disorder.

May payo naman si Markki sa mga taong nagsa-suffer sa ADHD tulad niya.

“If you’re suffering and you don’t know how to deal with certain things, message me on Instagram.

 “I salute every one who suffers in the shadows. You can talk, there are other people that you can talk to,” ani Markki.

Marami nang nagawang LGBTQ+ projects si Markki at matapang siya sa paghuhubad.

Si Markki ay isa sa mga bida ng Love at The End of the World, isang nine-part Boys Love Series na nagsimula ang streaming sa VivaMax noong May 18, 2022.

Kasama rin ni Markki sina Nico Loccl, Gold Aceron, Kristoff Garcia, Rex Lantano, Elijah Filamor, and Yam Mercado. Ito ay dinirehe ni Shandii Bacolod. JP Ignacio