Markus, pinagbantaan ang basher ni baby Jude!

Markus, pinagbantaan ang basher ni baby Jude!

April 8, 2021 @ 1:50 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Totoong makikipagpatayan ang isang magulang para sa kanyang anak.

Ganito kung ipagtanggol nina Markus Paterson at Janella Salvador ang kanilang limang buwang gulang na anak na si Jude Trevor.

Hindi nagustuhan ng couple kung paanong ang isang basher ay kinuwestyon ang itsura ng baby.

May tumawag pang “damulag” kay Baby Jude.

Ani Markus, “If you come for my son, I’ll come for you.”

Sanay na raw siyang ma-bash pero huwag na huwag daw isali ang kanyang walang kamuwang-muwang na anak.

Tweet naman ni Janella, “Your sense of humor must b really f*cked up to make fun of a baby.”

Tulad ni Markus, okey lang daw kay Janella na kantiin siya pero huwag idamay ang kanyang anak.

Isinilang ni Janella si Baby Jude sa UK pagkatapos ng ilang buwang paglilihim ng kanyang kalagayan. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •