Marlo Martel, nilinaw na hindi ginagamit si Bb. Pilipinas Hannah Arnold!

Marlo Martel, nilinaw na hindi ginagamit si Bb. Pilipinas Hannah Arnold!

July 14, 2021 @ 8:38 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinatawan ng Masbate si Hannah Arnold, ang kinoronahang Binibining International nitong July 12, Linggo.

Kasabay ng kanyang pagkapanalo ay siyang sulpot sa Instagram ng mga throwback photos nila ng singer-composer-actor na si Marlo Mortel. Magkasama sina Hannah at Marlo sa mga larawan, kuha pa noong 2014.

Nilakipan din ni Marlo ng caption ang mga litratong ‘yon.

Du’n lang nalaman ng mga netizens na nababagayan sa kanilang dalawa na dati palang may relasyon sina Marlo at ang kinatawan ng bansa sa Miss International na gaganapin sa Japan.

Inamin ni Marlo na ex-girlfriend niya si Hannah at dalawang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon.

Pero ayaw niyang isipin na just because Hannah won ay umeeksena siya o ginagamit niya ito. Proud lang daw talaga si Marlo na natupad ang pangarap ni Hannah “to be the queen she’s destined to be.”

Nag-break man daw sila’y nananatili silang magkaibigan. Sa katunayan, education ang common advocacy nila lalo na noong kaisa siya ni Hannah sa pagpapalaganap nito in her native Masbate.

May mga musical collab din daw sila ni Hannah.

Kung kailan nagsimula ang kanilang relasyon dates back to “MarNella days.” Ayon kay Marlo, ‘yun pa ‘yong loveteam nila ni Janella Salvador who was privy to his relationship all along.

Basta paglilinaw ni Marlo, hindi niya ginagamit si Hannah! Ronnie Carrasco III