Marso 16, idineklarang special non-working day sa NegOr para kay Degamo

Marso 16, idineklarang special non-working day sa NegOr para kay Degamo

March 15, 2023 @ 5:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Idineklara ng Malacañang na special non-working day sa buong probinsya ng Negros Oriental bukas, Marso 16, 2023 bilang pagluluksa at pagkilala kay Governor Roel Degamo.

Sa Proclamation No. 185 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pasok sa probinsya upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan nito na makilahok sa libing ni Degamo.

Matatandaan na napatay ang gobernador kasama ang siyam iba pa noong Marso 4 nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa harap ng bahay nito habang namimigay ng ayuda sa mga residente.

Nauna nang bumisita si Marcos sa lamay ni Degamo at nangako na ibibigay ang hustisya para sa mga biktima.

Nangako din ito na magbibigay ng scholarship sa anak ng mga napatay, at pagsalo sa medical fees ng mga nasaktan. RNT/JGC