Martial Law ideklara lang sa giyera – Marcos

Martial Law ideklara lang sa giyera – Marcos

January 26, 2022 @ 9:05 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagdedeklara ng batas militar ay naangkop lang sa tamang panahon.

Kasabay ng pagsisiguro na hindi siya agad hahantong dito kapag ka nagdesisyon ang mga Pinoy na magkasa ng People Power Revolution sa kanyang panunungkulan.

Ang tugon ni Marcos ay bunsod ng tanong sa DZRH’s Presidential Job interview na kung ano ang kanyang gagawin, maging ng militar, kapag ka nagkaroon ng rally sa kanyang oath taking sa pagka-Pangulo kung sakaling manalo.

Giit ni Marcos, makikipagnegosasyon muna siya sa mga tao at aalamin ang kanilang problema.

“Alangan naman we will start a civil war,” aniya.

Pero iba na umano ang magiging sitwasyon kapag ang oposisyon ay magpaputok ng baril sa naturang rally.

Sinusugan naman ang tanong na kapag ba nangyari ito ay magdedeklara na siya ng Martial Law?

Hindi direktang sinagot ni Marcos ang tanong pero sinabi niyang “that will harden the people’s position.”

Giit pa niya na makikipagnegosasyon pa rin siya sa tao at ilalagay sa kaligatasan ang mga ito.

Sa huli, iginiit ni Marcos na ang batas military ay idinedeklara lang sa panahon ng giyera at ang militar ang dapat na nagdedesisyon nito.

“The bottomline is that you have to keep the peace and security of the community. May lugar ang martial law, martial law para sa gera, kung may giyera.” RNT