Martin, aminadong tanga sa pagiging loyal!

Martin, aminadong tanga sa pagiging loyal!

July 15, 2022 @ 8:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Todo tanggi si Martin Nievera na lilisanin na niya ang ABS-CBN in favor of another network.

Inihambing niya ang istasyon bilang huling babae sa buhay niya.

Pag-amin niya, totoong dinagsa siya ng mga offer noon para kumabilang bakod.

But he flatly turned them down.

Nang magkita nga sila ng ABS-CBN executive na si Cory Vidanes ay sinabihan daw siya nito ng, “Don’t leave us.”

Sagot naman ni Martin, “to the grave” o hanggang hukay raw ay mananatili siyang Kapamilya.

Kuwento pa ng Concert King, maituturing daw niyang idiot ang sarili.

Super wealthy na raw siya ngayon kung hindi niya pinairal ang loyalty.

Kaya naman gusto niyang ituro sa young generation ng mga mang-aawit na panandalian lang ang fame at fortune.

Panghabambuhay raw ang loyalty. Ronnie Carrasco III