Martin Nievera, nakisali sa MPC para tanungin si Sec. Roque

Martin Nievera, nakisali sa MPC para tanungin si Sec. Roque

July 19, 2018 @ 4:15 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Akala mo’y isang journalist ang Concert King na si Martin Nievera nang makiisa sa pagtatanong kay Presidential spokesperson Harry Roque kasama ang Malacanang Press Corps (MPC).

Sa press briefing ni Sec. Roque sa New Executive Building (NEB), Malakanyang kanina ay nagbato rin ng tanong si Nievera kay Sec. Roque.

At ang kanyang unang tanong ay kung ano ang almusal ni Sec. Roque na sinagot naman ng huli na chicken longganisa at itlog.

Sinundan naman niya ito ng kung gaano kahalaga sa kanya ang Malacañang Press Corps na sinagot naman niya ng “Very important. The job is because of the Malacañang Press Corps, because it’s important that they deliver the message to the people. The message of the President be delivered to the people through them”.

Sa tanong naman kung gaano siya ka-transparent na sinagot naman niya na iyong mga confidential na bagay ay ipinaaalam niya sa mga tao dahil karapatan ng mga ito na malaman ang totoo.

Tinanong pa rin siya ni Nievera na kung ano ang payo na maibibigay niya sa Pangulo kapag nagsalita na ito na sinagot naman ni Sec. Roque na “When he speaks, stick with the prepared script, although  I have promised him that I will  help look for better speech writers who will actually  writes speeches  that he will actually read”.

At ang panghuling tanong sa kung anong channel ang tanong na maituturing niyang best questions ay sinagot naman ito ni Sec. Roque na “All of them asked best questions – in fairness”.

Sa  bandang huli ay pinasalamatan ni Nievera si Sec. Roque dahil pinayagan siya nito na magpukol ng tanong sa kanya at nakakuha naman siya ng direktang sagot.

“ Also ,we’d like to thank you for letting you ask, spend  your day with you, Just you to know, this is for the new show that I have in ANC, that  he allowed us to spy on his whole day. So, on behalf of ANC and all of us on the Martin Nievera show, we thanked you very much. Thank you so much,” ayon kay Martin Nievera. (Kris Jose)