Martires, Sandoval, Ramirez, in sa shortlist ng JBC para sa Ombudsman post; Bello, out!

Martires, Sandoval, Ramirez, in sa shortlist ng JBC para sa Ombudsman post; Bello, out!

July 20, 2018 @ 3:37 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ipinalabas na  kanina (July 20) ng Judicial and Bar Council ang shortlist na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagpipilian para magigng susunud na Ombudsman kapalit ng magreretirong si Ombudman Conchita Carpio Morales.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevara, miyembro ng JBC na kasama sa shortlist sina Supreme Court Associate Justice Samuel Martires na nakatanggap ng 6 na boto;  Office of the Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval na may 5 boto at  private lawyer Felito Ramirez na nakakuha ng 4 na boto mula sa JBC members.

Si Martires ay matatandaang unang appointee sa Korte Suprema ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakda itong magretiro sa SC sa darating na Enero 2019. Una syang nagsilbi sa Sandigabayan sa loob ng 11 taon.

Si Sandoval ay dating presiding justice ng Sandiganbayan bago naitalaga noong nakaraang taon sa Ombudsman. Nagtapos sya sa Harvard University.

Samantala si Ramirez ay kaFraterity sa Lex Taliones ni Pangulong Duterte na isang ding San Beda alumnus.

BELLO DISQUALIFIED

Kinumprima din ni Guevara nadisqualified para maging susunud na Ombudsman si LAbor Secretary Silvestre Bello dahil mayroon itong nakabinbing syndicated estafa case sa Department of Justice. Ang nasabing kaso ay kasalukuyan nang bineberipika ng DoJ.

“We are verifying the reason for Sec Bello’s disqualification.May pending case daw sa DOJ. Baka kasi a case of mistaken identity,” paliwanag ni Guevara.

Naging maugong ang Ombudsman bid ni Bello matapos harangin ng isang advocacy group ang kandidatura nito kung saan nauna nang hiniling na magbitiw sa pwesto dahil sa pagkakasangkot sa extortion gayundin ay mayroon itong kaso sa Onbudsman na una namang naibasura.

Ang nasabing shortlist ay naisumite na sa Malacanang at batay sa Article VIII Section 8 ng 1987 Constituion ay mayroon si Pangulong Duterte na 90 araw na mamili sa shortlist na isinumite ng JBC na syang may kapangyarihan na magscreen at mamili ng mga iuupo sa judiciary. (Remate News Team)