Martyr or Murderer, sandamakmak ang pasabog!

Martyr or Murderer, sandamakmak ang pasabog!

February 28, 2023 @ 3:40 PM 4 weeks ago


Manila,Philippines- Gaya nang sinabi ni Sen. Imee Marcos ay maraming pasabog ang pelikulang Martyr or Murderer, ang second installment ng kaganapan sa buhay ng mga Marcoses nu’ng panahon na napatalsik sila sa puwesto. Una na ngang naipalabas ang pelikulang Maid in Malacanang na tumabo sa takilya.

This time, same cast pa rin ang mga bida sa MoM na pinangungunahan nina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, with the special participation of Isko Moreno na gumanap sa papel ni datin senador Ninoy Aquinbo, at Eula Valdez na gumanap naman sa papel ni Imee (current time).

Sa red carpet premier ng ginanap sa SM North, The Block ay in attendance ang lahat ng cast. Nagpunta at nanood din ang butihing senadora to grace the said event.

Unang pasabog ay ang pag-establish sa pelikula na may nakaraan pala sina dating Senador Ninoy Aquino at dating First Lady Imelda Marcos. Kung ano’ng klaseng nakaraan ‘yon ay hindi na namin idedetalye.

Pangalawa ay ang diumano’y pag-assasinate kay Ninoy. Pinalutang sa pelikula na pwede ring suicide ang nangyari upang sirain daw ng tuluyan ang pamilya Marcos.

Pangatlo ay ikinuwento rin sa pelikula kung bakit nasa bansang Moroco si Sen. Imee nu’ng na-exile ang kanilang pamilya sa Hawaii. May dahilan kung bakit nasa bansang ‘yun si Sen. Imee.

Pang-apat ay ang kwentong wala si Sen. Imee sa tabi ni dating presidente Ferdinan Marcos Sr. nu’ng ito ay sumakabilang buhay.

Pasabog ang eksena kung saan pinaiyak ni Cristine, na gumanap sa papel na young Imee, ang mga manonood dahil nag-break down siya sa pagkamatay ng kanyang ama sa pelikula.

Pang-anim ay lumabas sa dulo ng pelikula ang isang sikat, magaling at gwapong veteran actor na gaganap sa papel ni Bongbong Marcos ngayong presidenmte na siya ng Pilipinas.

Pinalakpakan ‘yon ng mga manonood sa red carpet premiere ng movie.

Sa March 1, 2023 na ipalalabas ang kontrobersiyal na pelikuila ni Direk Darryl Yap at ipalalabas ito sa 250 theaters nationwide. Abangan ang mga pasabog ng pelikula. JP Ignacio