Marvel’s ‘Black Widow’, milyon agad ang nahakot

Marvel’s ‘Black Widow’, milyon agad ang nahakot

July 12, 2021 @ 9:48 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

LOS ANGELES—Kumita agad ng $80 milyon sa unang linggo ang pelikula ng Disney at Marvel na Black Widow mula sa unang paglabas nito sa takilya noong Hulyo 9.

Mapapanood ang Black Widow sa mga sinehan at sa Disney Plus kung saan maaari itong rentahan sa halagang $30 bilang parte ng kanilang Premier Access offering.

Base sa report ng Disney, kumita ng higit $60 milyon ang pelikula sa digital rentals pa lamang nito sa Disney Plus.

Habang $78 milyon naman ang kinita ng Black Widow sa iba pang parte ng mundo na siyang nagtala ng global box office haul nito sa $158 million.

Ayon sa inilahad ng media and entertainment distribution chairman ng Disney na si Kareem Daniel, “‘Black Widow’s’ strong performance this weekend affirms our flexible distribution strategy of making franchise films available in theaters for a true cinematic experience and, as COVID concerns continue globally, providing choice to consumers who prefer to watch at home on Disney Plus.”

Sa kasagsagan ng pandemya, hindi maikakailang lubos na apektabo ang industriya ng sinehan at takilya kaya naman ang naitalang performance ng Black Widow ay nagbigay inspirasyon sa iba pang Hollywood at film exhibitors.

“Certainly the figure would be higher if every theater were open, if there were zero concern with COVID, and if there weren’t a streaming option… for now, those impediments make ‘Black Widow’s’ opening all the more impressive.” saad ni David A. Gross ng movie consulting firm na Franchise Entertainment Research. RNT/Riza Guarin-trainee


  •  
  •  
  •