Mas ‘accessible’ na maternal, newborn health services inihirit ng POPCOM

Mas ‘accessible’ na maternal, newborn health services inihirit ng POPCOM

October 20, 2022 @ 1:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ang mataas na fatality rate sa mga anak at inang Pilipino ay  tanda ng paghihirap na maka-access sa pangangalaga para sa  maternal at newborn health.

Sinabi ng Commission on Population and Development (POPCOM) na ang paghihirap na ito ay resulta ng “fatal consequences.”

Ayon sa POPCOM, ang bilang ng mga namatay na classified sa ilalim ng  “other direct obstetric deaths” ay nagpapakita ng pagtaas sa unang anim na buwan ng 2022 na may 468.

Tinukoy ang pinakabagong data  mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang tally noong nakaraang taon sa kahalintulad na panahon ay 425.

Sa ulat, inilarawan naman ng World Health Organization (WHO) na ang direct obstetric deaths, o direct maternal deaths, bilang pagkamatay na nagresulta mula sa  “obstetric complications of the pregnant state (pregnancy, labor, and puerperium), and from interventions, omissions, incorrect treatment, or from a chain of events resulting from any of the above.”

Ang nabanggit na dahilan ng pagkamatay ay tumaas mula sa rank na #44 noong  2021 na naging  #39 ngayong  2022.

Idagdag  pa rito, tumaas din ang  share nito mula 0.1 noong 2021 na naging  0.2 ngayong taon gaya ng nakasaad sa pinakabagong data ng PSA.

Samantala, sa kabila ng pagbaba sa newborn deaths na 3,686 mula 4,424 noong  2021, nasa ranggo na itong  #17, tumaas mula sa  #18  noong nakaraang taon.

“This condition indicates an issue in accessing appropriate, quality, and timely services from health-care facilities,” ayon kay  POPCOM Officer-in-Charge Lolito R. Tacardon.

“It poses the challenge to improve our local health system for emergency obstetric and newborn care, which was definitely affected during the pandemic,” wika pa nito.

Umapela naman si Tacardon para sa mas maraming medical care  para sa mga  nanak at anak ng mga ito partikular na iyong unang  1,000 days  ng buhay ng mga anak, na itinuturing na “most crucial” sa mga health experts.

Nanawagan din ang POPCOM official para sa implementasyon ng  Universal Health Care Law at Responsible Parenthood and Reproductive Health Law na itaguyod ang “well-being at overall health” ng mga Pilipinong ina at kanilang mga anak. Kris Jose