Mas feel nga bang magtrabaho ni Nora Aunor sa GMA-7 kaysa ibang TV networks?

Mas feel nga bang magtrabaho ni Nora Aunor sa GMA-7 kaysa ibang TV networks?

August 5, 2018 @ 4:49 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Superstar Nora Aunor asseverated when interviewed that she has no problem working in any of the three major TV networks in the Philippines—GMA-7, ABS-CBN, and TV5.

“Nagkataon lang na dito ako nagkakaroon ng teleserye at dito ako kinukuha,” she said in earnest. “Tapos na rin kasi yung kontrata ko sa TV5.”

After the expiration of her contract with TV5, Nora went to work for GMA-7 and headlined Little Nanay with Kapuso actress Kris Bernal. Umire ito from November 2015 to March 2016.

Ano ang nararamdaman niya na balik-Kapuso siya after two years at bale primetime pa ang kanilang soap?

“Nagpapasalamat ako sa GMA na binigyan nila ako ng pagkakataon na gumawa ng serye, itong Onanay.

“Tulad ng ginawa ko sa Little Nanay, itong storya nito may puso talaga.”

She has also nothing but praises for the way GMA7 takes good care of its stars.

Asked how she would compare the existing setup in show business now and before, she said that nothing much has changed.

“Halos pareho din naman ang kalakaran sa showbiz noon at ngayon,” she averred. “May konting pagbabago lang. Halimbawa, kapag may presscon, talagang inaasikaso ng istasyon yung mga artista—pinapagawan ng gamit, kung ano’ng dapat… Noong araw, kanya-kanya.”

Ginanap nga pala ang grand presscon ng Onanay sa Le Reve events place last July 26.

Suffice to say, Nora said that she’s thrilled to play Nelia, the supportive mother of showbiz newbie Jo Berry, who is cast as Onay.

Ipinanganak na may achondroplasia or bone growth ailment, makararanas ng pagkutya si Onay mula sa mga taong kulang ng pang-unawa.

Kung sa Little Nanay ay happy lang siya sa piling ng kanyang mga anak, dito kasi ay may nangyari kay Onay at siya ang magsisilbing kanyang tagapagtanggol.

Sinabi rin ni Guy na isang karangalan raw ang sumuporta sa isang tulad ni Onay.

“Lahat kami ang turing namin sa kanya anak o kapatid,” she intimated. “Isa siyang magaling na artista, magaling magmemorya, magaling umarte, at napakabait na tao.”

Sa mga breaks na patuloy na dumarating sa kanya, wala na raw siyang mahihiling pa.

“Bilang artista, wala na akong puwedeng hanapin pa,” she confided. “Dahil unang-una, hindi man lahat, nakagawa na ako ng mga pelikulang importante at magaganda. Pinagmalaki naman natin sa ibang bansa karamihan ng mga ginawa ko at magaganda talaga sila.

“Magagaling yung mga direktor na napunta sa akin.”

Ilan sa mga magagandang obra na nagawa ni Nora ay ang Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Bona (1980), Himala (1982), The Flor Con- templacion Story (1995), at Thy Womb (2012), among many others.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

DAPAT LANG!
PETE G. AMPOLOQUIO, JR.