Mas kwalidad na face mask vs. Omicron pang-health workers pa lang —NTF adviser

Mas kwalidad na face mask vs. Omicron pang-health workers pa lang —NTF adviser

January 25, 2022 @ 5:25 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa inirerekomenda ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa sa publiko ang pagsusuot ng mas kwalidad na face mask bilang proteksyon sa Omicron variant ng coronavirus.

Sa Laging Handa public briefing, tinanong si Herbosa tungkol sa ilang pagdiin ng health experts na gumamit ng N95 at KN95 kaysa  cloth o surgical laban sa against Omicron.

“Ang sinasabi lang is higher quality masks… Mayroong tinatawag na surgical three-ply mask. Actually, magaling na proteksiyon na iyon against airborne infection or illnesses.”

Hindi pa aniya ito inirerekomenda sa publiko dahil posibleng maubos ang suplay nito lalo na kung para sa healthcare workers.

“Will we recommend to the general public?  Ako ang tingin ko, hindi pa siguro kasi nga baka maubusan ng supply sa healthcare workers.”

Para kay Herbosa, ang N95 at KN95 masks ay para lamang sa mga nagtatrabaho at humaharap sa COVID-19 case. RNT/FGDC