Mas maayos daw na pamamahagi ng SAP 3, sinigurado ng DSWD

Mas maayos daw na pamamahagi ng SAP 3, sinigurado ng DSWD

September 16, 2020 @ 11:23 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dahil sa updated at validated na listahan ng mga benipisyaryo na mahihirap na pamilyang Filipino ng Social Amelioration Program ng gobyerno ay mapabibilis na umano ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng SAP 3.

“May Listahan na tayo ng mga benepisyaro ng SAP na sumailalim sa balidasyon, natitiyak na mas mabilis na ang pagbabahagi ng ayuda. Ang pagkakaroon ng komprehensibo at updated na database ay nakakasiguro sa tamang pagtukoy ng mga tatanggap ng ayuda,” ani DSWD chief Rolando Bautista sa uSAP Tayo conference.

Sa ngayon ay nakapamahagi na umano ang kagawaran ng P82.7 billion sa may 13.8 million kwalipikadong pamilya.

Wala naman umanong pagbabagong gagawin sa Bayanihan 2 bukod sa mas mapapabilis na umano ito dahil sa sistemang nabuo. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...