Mas maayos na sistema para sa workforce development sa Pinas, target ni PBBM

Mas maayos na sistema para sa workforce development sa Pinas, target ni PBBM

December 10, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.ang kahalagahan ng pagpapatupad ng maayos na sistema na makatutulong sa mga manggagawang Filipino na mag-excel o umangat at maging mas competitive.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging pagpulong sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council’s (PSAC) job sector sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes.

“It’s really skills training. We have to upskill everybody. We need to have a system that will work with everyone,” ang pahayag ni Pangulo Marcos, ayon sa kalatas na ipinalabas ng Office of the Press Secretary (OPS).

Sinabi ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer in charge ng OPS, maliban sa “skills development and learning recovery programs” ng mga manggagawa, pinag-usapan din sa nasabing pulong ang mahalagang inisyatiba at iba pang programa na naglalayong makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino workforce.

“Marcos, who presided over the meeting, reported that 16 innovation centers are with the Technical Education and Skills Development Authority, hence the need to support Filipino workers in upskilling to stay competitive,” ayon kay Garafil.

Para naman sa PSAC, ipinresenta nito ang kanilang rekomendasyon sa Pangulo para pabilisin ang paglikha ng de-kalidad na hanapbuhay sa bansa.

Sinabi pa ng Office of the President (OP) na nangako ang PSAC na tutulungan ang national government sa paglikha ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Filipino habang papalapit na ang pagtatapos ng taon.

“These include scaling up MSMEs through digital transformation, identifying high-potential businesses, attracting more investors, flexible labor regulation, and building skills for long-term competitiveness,” ayon sa OP.

Tinukoy din ng Pangulo ang pangangailangan na kilalanin ang micro-credentials upang “to make Filipino workers adaptable and diversely skilled.”ayon kay Garafil.

Ang “Micro-credentials” ay “short skills-focused qualifications that seek to support learners to skill up in a wide array of knowledge areas.”

“Yung (The) micro-credentials, it’s not a four-year course. It’s not a degree. But you can present this to qualify for a job,” ang wika ng Pangulo.

Ayon kay Garafil, nais ng Pangulo na “retrain and reskill” overseas Filipino workers (OFWs) na nagnanais na bumalik sa Pilipinas, ‘for good.’

Tinukoy ng Pangulo ang pagsisikap na mabigyan ang mga manggagawa sa business process outsourcing (BPO) industry ng offshore medical jobs.

“To scale up micro, small and medium enterprises (MSMEs), the PSAC recommended granting them access to money, markets, and mentoring, as well as enabling them to undertake digital transformation,” ani Garafil.

“President Marcos has committed to helping them flourish by streamlining existing processes and making it easier for MSMEs to thrive,” aniya pa rin.

Nilikha sa ilalim ng Marcos administration, ang PSAC ay kinabibilangan ng business leaders at experts na tinutulungan ang pamahalaan na makamot ang economic goals at muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa.

Samantala, dumalo naman sa miting sina PSAC lead convenor at Aboitiz Group chief executive officer Sabin Aboitiz, at council members Jose Ma. Concepcion III, Lance Gokongwei, Rizalina Mantaring, Fred Ayala, Teresita Sy-Coson, Doris Magsaysay-Ho, at Kevin Tan.

Present din sina PSAC secretariat members Ginggay Hontiveros-Malvar at Mary Geraldine Polanco-Onganon (Secretariat), at PSAC resource persons Kristine Romano at Christian Eyde Moeller.

Dumalo rin sina Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., Labor Secretary Bienvenido Laguesma, at Trade Secretary Alfredo Pascual. Kris Jose