Mas mababa sa 10% COVID positivity rate sa NCR, naitala

Mas mababa sa 10% COVID positivity rate sa NCR, naitala

February 8, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bumulusok ang coronavirus disease (COVID-19) positivity rate ng National Capital Region sa 9.6 porsiyento noong Pebrero 6, ayon sa anunsyo ng OCTA Research Group.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nasuri at nagpositibo sa virus.

“Ang huling pagkakataon na ang NCR [National Capital Region] ay nagkaroon ng mas mababa sa 10 porsiyento na positivity rate ay noong Disyembre 30, 2021, ito ay mga panahong pagsimula ng surge,” ayon kay Dr. Guido David sa update sa Twitter.

Bukod dito, ang average na daily attack rate ng rehiyon ay bumaba rin sa 8.93 kaso bawat 100,000 populasyon.

Ang bilang ng pagpaparami o rate ng impeksyon ay lalong bumaba mula 0.41 hanggang 0.30, habang ang paggamit ng pangangalagang pangkalusugan ay bumaba mula 38 porsiyento hanggang 32 porsiyento.

“At this rate of decrease, if the trends continue, the NCR could have less than 200 new cases per day by the end of February,” dagdag pa ni David.

“Samantala, pinapayuhan ang publiko na patuloy na sundin ang mga protocol sa kalusugan,” dagdag niya. RNT