Mas mababang fertility rate, bawas-pressure sa suporta sa mga anak -POPCOM

Mas mababang fertility rate, bawas-pressure sa suporta sa mga anak -POPCOM

November 17, 2022 @ 10:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mas magpapagaan sa bigatin ng pamilya at pamahalaan pagdating sa pangangailangan sa araw-araw ang pagbaba ng fertility rate ng bansa ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM) nitong Miyerkules, Nobyembre 16.

Sa panayam, ibinahagi ni POPCOM officer-in-charge Executive Director Lolito R. Tacardon na mas marami ang mabuting dulot kaysa sa hindi, sa mas mababang fertility rate.

“Economic gains from the demographic transition can be funneled to reduce poverty and improve labor force participation. The country will continue to see a robust labor force at over 63 percent of the population until 2030 or 2035, which is a dozen years away,” aniya.

Ayon pa kay Tacardon, maliban sa mas mailalaan ng pamahalaan ang national resources nito sa iba pang bagay, makatutulong din umano ito sa mga pamilya na maibigay ang sapat na pangangailangan ng kanilang mga anak.

“Kapag mas mababa ang fertility rate, ibig sabihin ‘yung within the family mas concentrated ang ilang resources sa mga anak. And on a larger scale, if you look at the macro view, the government hindi mapwepwersa masyado ang resources ng government for healthcare, for education, lalo na mga pre-services,” dagdag pa niya.

“So ‘yun ang implication ng lower number of children. Ang national economy pwede niya ngayon i-divert ang national resources to other endeavors of the government.”

Nitong Martes, Nobyembre 15 ay sinabi ng POPCOM na bumaba ang kakayanan ng isang babaen na magbuntis at manganak, kung saan mula sa tatlong baby na ipinapanganak ng isang babae nitong 2017 ay nasa dalawa na lamang na baby ang isinisilang. RNT/JGC