Mas mababang subscription rates, inanunsyo ng Netflix

Mas mababang subscription rates, inanunsyo ng Netflix

February 21, 2023 @ 4:34 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- May hatid na magandang ang Netflix sa social media ngayong Martes.

Gamit ang “Spaghetti Song” ng Sex Bomb, inanunsyo ng streaming giant announced ma bababaan nito ang subscription rates simula ngayong araw.

Magbabayad na lamang ang Netflix users na kasalukuyang subscribed sa Basic Plan ng P249 kada buwan, mula sa nakaraang P349.

Magbabayad naman ang subscribers sa ilalim ng Standard Plan ng P399 kada buwan, mula sa P459.

Epektibo ito ngayong araw para sa mga bagong miyembro na magsa-sign up sa Netflix.

Gayunman, magbabayad pa rin ang Mobile Plan at Premium Plan subscribers ng parehong monthly subscription fee na P149 at P549 kada buwan. RNT/SA