Mas mabigat na parusa target ng BSP sa pamemeke ng pera 

Mas mabigat na parusa target ng BSP sa pamemeke ng pera 

January 27, 2022 @ 7:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inilatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mas mabigat na parusa laban sa mga namemeke ng pera.

“The BSP proposes to increase the length of imprisonment to deter counterfeiting through amendment of existing laws… Our proposal for stiffer penalties will also take into consideration the current economic landscape as well as advancements in printing technologies,” ani BSP Governor Benjamin Diokno.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga namemeke ng pera ay maaaring makulong ng hanggang 12 taon at magmulta ng hanggang dalawang milyong piso.

Samantala, sinabi naman ni BSP deputy director Eloisa Glindro na nadagdagan ng pitong porsyento ang documented counterfeit banknotes noong 2021.

Nasabat din aniya ng BSP ang nasa 12,400 piraso ng counterfeit Philippine money na nagkakahalaga ng higit P7.8 milyon mula 2010 hanggang 2021.

Habang 14,300 piraso naman ng counterfeit US dollars ang nasamsam na tinatayang nagkakahalaga ng $92.5 milyon.

Dito ay naaresto naman ang 179 fraudster, base kay Diokno.

Nagpaalala na rin sa publiko ang BSP na inspeksyunin ang banknotes kahit pa mga lumalabas sa automated teller machines (ATMs).

“The country’s ATM system preforms soundly under recognized risk management guidelines. We also assure the public that mechanisms are in place for reporting potentially suspicious banknotes as part of a comprehensive approach in safeguarding Philippine currencies,” dagdag ni Diokno. RNT/FGDC