Mas mabilis na pagbabakuna kontra COVID-19 hirit ni Robredo

Mas mabilis na pagbabakuna kontra COVID-19 hirit ni Robredo

March 15, 2021 @ 11:02 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ng mas mabilis na pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) si Vice President Leni Robredo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit.

“Kung 30,000 a week lang iyong nababakunahan, ilang years ang kailangan para ma-reach natin ‘yong herd immunity? Kasi iyong herd immunity, between 70 to 80 million Filipinos dapat mabakunahan para maka-back to normal tayo,” giit ni Robredo sa radio show nito.

Umaasa rin ang bise na dumating na ang iba pang suplay ng bakuna.

Una nang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na sa 2033 pa makakamit ng bansa ang herd immunity sa sitwasyon ng pagbabakuna sa kasalukuyan. RNT/ELM