Mas mahigpit na border restrictions sa pagsulpot ng bagong omicron sub-variants ekis sa DOH

Mas mahigpit na border restrictions sa pagsulpot ng bagong omicron sub-variants ekis sa DOH

July 12, 2022 @ 6:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi inirerekomenda ng Department of Healthang pagpapahigpit sa border restrictions kasunod ng pagkakadiskubre sa bagong omicron subvariants sa ibang bansa, ayon sa tagapagsalita ng ahensya nitong Martes.

Nadiskubre ang Omicron BA.2.75, na posibleng mas nakahahawa, sa India, US at iba pang bansa, ayon sa World Health Organization. Natukoy din sa Shanghai ang Omicron subvariant BA.5.2.1.

“We’re cognizant of the fact that infections are expected because of the continuous mutation of the virus and transmission also,” ani  HealthUndersecretary and spokesperson Maria Rosario Vergeire.

“Di ho natin nirerekomenda ang further restrictions sa ating borders…but we would like to remain vigilant. Our surveillance system is up, we’re closely monitoring, we’re prepared in our communities and hospitals if and when matutuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso dito sa ating bansa.”

Kinakailangan umano ng bansa na siguruhing nananatili sa minimum level ang bilang ng severe at critical patients, base kay Vergeire.

“Hindi kailangan mag-alala ng ating mga kababayan dahil ang current vaccines natin with its formulation is still effective against COVID-19 and to protect us against severe and critical infections,” pagtitiyak ni Vergeire.

“No matter what type of variant you have or you are vaccinated and boosted you can still get the infection because the promise ng ating bakuna para i-block ang transmission ng sakit (the vaccine’s promise is not to block virus transmission) but to prevent severe and critical infections and of course protect us all from dying from the disease.” RNT/SA