Mas mainit na panahon sa Mayo, ibinabala ng PAGASA

Mas mainit na panahon sa Mayo, ibinabala ng PAGASA

April 10, 2019 @ 3:29 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Mas mainit na panahon sa May.

Ito ang ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Association (PAGASA) sa publiko.

Ayon sa weather bureau na maaring umabot ang temperatura sa susunod na buwan sa 35 hanggang 38 degrees Celsius.

Matatandaang noong Linggo at naitala sa 39°C sa Isabela State University ang pinakamainit na temperatura sa bansa ngayong tag-init habang umabot naman sa 51.7°C sa Dagupan City ang naitalang pinakamataas na heat index.

Ang heat index ay ang temperaturang nararamdaman ng isang tao na iba kumpara sa aktuwal na init o temperatura ng hangin.

According to PAGASA, reaching 37°C of temperature is already dangerous for the body. Remate News Team