Mas malakas na ‘defense relations’ hangad ng PH, Thailand

Mas malakas na ‘defense relations’ hangad ng PH, Thailand

September 13, 2022 @ 5:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kapwa tinitingnan ng Pilipinas at Thailand  na  mas palakasin pa ang  kanilang “tanggulang relasyon.”

Inihayag kapuwa nina Department of National Defense (DND) officer-in-charge Undersecretary Jose C. Faustino Jr. at Thai Ambassador to Manila Tull Traisorat  ang bagay na ito sa Sept. 9 meeting sa  DND headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“The two officials discussed the status of bilateral defense relations, potential areas of cooperation, ways ahead for logistics and defense industry collaboration, and multilateral cooperation,” ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong.

Pinuri naman ni Faustino ang  matatag na  defense relations sa pagitan ng Pilipinas at Thailand at ang pananatili ng dayalogo sa kabila ng nagpapatuloy na pandemiya sa bansa.

“He welcomed the convening of high-level meetings and the conduct of various defense and military activities. Moreover, the OIC, DND underscored that exchanges of best practices with Thailand have contributed to addressing common defense and security challenges, particularly terrorism and internal security concerns,” ani Andolong.

Hinggil naman sa  multilateral cooperation, nagpahayag naman ng suporta si  Faustino sa pagiging  co-chairmanship ng Thailand sa  US sa  ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM)-Plus Experts’ Working Group (EWG) on Maritime Security mula taong  2021 hanggang  2024  at maging sa iba pang inisyatiba ng  Thailand sa ilalim ng ADMM.

Sumang-ayon naman si Traisorat  na mananatili ang “information sharing” bilang isa sa “key elements” ng  military collaboration  sa pagitan ng dalawang bansa.

Hinikayat naman nito ang pagpapanatili ng malakas at aktibong  defense relations, kabilang na ang  logistics at defense industry cooperation at partnership sa ilalim ng ASEAN.

Ipinarating din ni Traisorat  ang kahandaan ng  Thailand na magbigay ng tulong sa  economic recovery ng Pilipinas lalo na sa larangan ng  food security at turismo.

“Furthermore, both officials welcomed the possible cooperation on humanitarian assistance and disaster relief (HADR), as well as the activities/meetings for the upcoming 2022 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit to be hosted by Thailand, and the 75th anniversary of Philippines-Thailand diplomatic relations in 2024,” ayon kay  Andolong. Kris Jose