Mas malaking badyet sa cybersecurity, nais ni Tulfo

Mas malaking badyet sa cybersecurity, nais ni Tulfo

September 21, 2022 @ 8:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nais ni Senator Rafael Tulfo na bigyan ng mas malaking budget ang Department of Information and Communications Technology sa pagpapaigting ng cybersecurity.

Ito ang suhestyon ni Tulfo kahapon, Setyembre 20 kasabay ng pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa mga proposed budget ng ahensya sa 2023.

“I will suggest giving you a proper budget, increasing your budget more. That’s what I want here so that cyberspace will be protected against cyberattacks,” ani Tulfo.

Dagdag pa niya, maging ang mayamang mga bansa ay nakararanas din ng cyberattacks kung kaya’t hindi ligtas ang Pilipinas dito.

“So much more here. We are really in a pitiful situation. So your budget will really have to be increased,” dagdag pa niya.

Idiniin rin ng Senador na maituturing na national security issue ang cybersecurity.

“I was scared when you said that we are vulnerable to cyberattacks, which, as I understand it, is because lack the budget that is really needed. Perhaps training in other countries is needed so that we can be updated on new technologies to prevent cyberattacks.” RNT/JGC