Mas malaking badyet sa NTF-ELCAC pawang ‘campaign kitty’ sa 2022 national appropriations – Drilon

Mas malaking badyet sa NTF-ELCAC pawang ‘campaign kitty’ sa 2022 national appropriations – Drilon

June 1, 2021 @ 4:28 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Ibinulgar ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na may mas malaking badyet ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 national appropriations na maaaring gamitin bilang “campaign kitty” ng administrasyon sa susunod na halalan.

Sa pahayag, ipinangako ni Drilon na kanyang tututulan ang naturang badyet sa lahat ng lehislatibong pamamaraan upang hindi magamit ang naturang pondo para sa halalan o kompanya.

“We should be more vigilant. The 2022 budget is an election budget. We must not allow the budget to be used for election or partisan political activities,”  ayon kay Drilon.

Naniniwala si Drilon na hihingi ng mas malaking badyet ang task force para sa 2022 upang mamigay ng pondo sa maraming barangay sa buong bansa sa panahon ng halalan.

eLCAC

Ayon kay Drilon, nakahanda siyang tutulan ang badyet ng NTF- ELCAC, “tooth and nail,  at nagpahayag ng paniniwala na maraming kasamahan nito sa Senado ang susuporta dahil karamihan sa kanila ang gustong bawasan ng pondo ang ahensiya.

Nakatakdang isumite ng pambansang pamahalaan ang panukalang National National Expenditures Program (NEP) na nagtatakda  ng prayoridad ng pamahalaan sa susunod sa Kongreso sa Hulyo o Agosto pagkatapos ng huling State of the Nation Address o SONA ng Pangulo.

Naunang inihayag ni  National Security Adviser Hermogenes Esperon na tumaas ang bilang ng barangay na nalinis laban sa insurhensiya ng 1, 398 mula sa dating 822 tungo sa 2,220. Tumanggap na ng pondo ang 822 barangay mula sa badyet ng task force na umabot sa P16.4 bilyon na tinaguriang   barangay development program.

“That will be a whopping P28 billion election war chest. We will vehemently oppose the budget of NTF-ELCAC,” ayon kay Drilon.

“In fact, we will propose that every centavo that will be allocated to NTF-ELCAL in the to be submitted NEP be realigned to our pandemic response and ayuda or financial assistance to the poor who continuously experience hunger because of the pandemic,” idinagdag ng lider ng minorya.

“Instead of allocating billions of taxpayers’ money to NTF-ELCAC, let us increase the budget of 4Ps or Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Let us use the funds to assist our jobless kababayans,” giit pa niya.

Sinabi ni Drilon na halata naman na pantakip lamang ang programa ng anti-insurgency countermeasure, pero sa reyalidad tumutulong ito upang palakasin ang tiyansa  ng kandidato ng administrasyon sa susunod na halalan.

Aniya, ngayon pa lamang, ginagamit na an barangay sa buong bansa para sa partisan politics.

Tinukoy ni Drilon ang liham na galing sa isang barangay chairman sa isang lugar sa Bulacan na umiikot sa social media na nanghihingi ng suporta para sa kandidatura ni   Davao City Mayor Sara Duterte, the President’s daughter.

‘The anti-insurgency budget and other lump sum appropriations in the budget can easily be diverted to programs that can help boost the administration’s candidates for 2022,” ayon kay Drilon.

Noong nakaraang buwan, 15  senador sa pamumuno ni  Senate President Vicente Sotto III at Drilon ang lumagda   Senate Resolution No. 709 na nagkokondena kay Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., sa kabastusan nito at pagmamaliit sa mga  senador at kinuwestiyon ang patuloy na pananatili ng kontrobersiyal na heneral bilang   spokesperson ng government’s anti-insurgency task force, na paglabag sa Saligang Batas. Ernie Reyes