Mas malaking badyet sa SAP, Bayanihan 2 hirit ni Drilon

Mas malaking badyet sa SAP, Bayanihan 2 hirit ni Drilon

August 6, 2020 @ 6:17 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat dagdagan ng pamahalaan ang pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) at badyet ng Bayanihan 2 upang matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mahihinang sektor.

Sa pahayag, sinabi din ni Drilon na dapat mabuksan ang mata ng miyembro ng Inter-Agency Task Force at economic managers sa mas malalang resesyon sanhi ng pandemya.

Iginiit din ng senador ang  pangangailangan na buhayin ang demand side ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapanatili ng pagtitiwala ang mamamayan sa abilidad ng gobyerno na tugunan ang COVID-19 pandemic.

 “Nobody expected it to be this severe. This is the result of the ‘shotgun’ approach in handling COVID-19. This shows the grim reality: gutom ang tao – walang trabaho, walang pera at ubos na ang ipon,” ayon kay Drilon sa statement nitong Huwebes.

Tinukoy ni Drilon na mas malala sa inaasahan ng gobyerno ang 16.5% pagbagsak ng gross domestic product (GDP) na tinutukoy ang projection ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na aabot sa 5.7 hanggang 6.7 porsiyento ang pagbagsak sa ikalawang kuwarter ng taon.

Sinabi ni Drilon na ibig sabihin nito, nasa resesyon na ang Pilipinas kaso ng dalawang sunod-sunod na pagbagsak ng GDP. Mas lalong bumagsak ang GDP sa 16.5% sa ikalawang kuwarter mula sa 0.7% noong unang kuwarter.

Iginiit ng minority leader na dapat magsagawa ng mabilis at decisive actions ang gobyerno sa nalalabing buwan ng taon na tulungan ang mahihirap at buhayin ang demand side ng ekonomiya dahil bumagsak ang household consumption sa Q2 ng 15.5%.

“We need to do a second round of social amelioration program. We should expand it but we must retain those families who received the first tranche because they are the ones who are badly hit by the pandemic,” ayon kay Drilon.

“There is no sense that they were included in the first tranche but were delisted in the second tranche. Their lives did not become better after receiving the first tranche. They are the ones who continue to experience hunger every day. The government should provide for them until the pandemic is over,” giit pa ng mambabatas.

Sinabi ni Drilon na may pangangailangan na itaas ang stimulus fund na nakatakda sa Bayanihan 2 na pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa ikalawang pagdinig ang P162 bilyong pondo.

Muling iginiit ni Drilon na dapat sipatin ng pamahalaan ang estratehiya nito kung paano mapipigilan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 dahil kapag patuloy itong tumaas, mawawalan ng tiwala ang mamamayan.

“The people’s confidence is shattered and the corruption and incompetence issues against government officials playing a key role in the fight against COVID-19 pandemic make things even worse,” giit ni Drilon.

“The key is to revive demand but that will only happen when the people feel safe to go out. People will feel confident when they see that the government is doing the right thing, effective measures are in place and the healthcare system is not collapsing,” paliwanag niya.

“Thus, it all boils down to our ability to control the pandemic,” dagdag pa ng senador. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...