Mas malaking budget ng CHR inihihirit

Mas malaking budget ng CHR inihihirit

September 15, 2022 @ 6:26 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang ilang mga mambabatas sa pagtataas ng budget ng Commission on Human Rights sa 2023 national budget.

Ito ay makaraang tapyasan ng Department of Budget and Management ang proposed budget ng ahensya.

“Madame Chair, I would like to manifest my support. Full support, to increase the budget of the CHR for 2023. Increase, hindi pa nga ibalik sa dati, kung hindi i-increase. Kung hindi man i-match sa 2022 budget, at least increase po natin ito,” pahayag ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas kasabay ng budget hearing ng House Committee on Appropriations.

Idiniin din ni Brosas ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta sa CHR lalo na sa operating expenses nito.

Ilan pa sa mga nagpaabot ng pakikiisa ay sina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, AKO Bikol Partylist Rep. Raul Bongalon, Albay Rep. Edcel Lagman, Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel at ACT Partylist Rep. France Castro.

Ngayong taon, ang CHR ay mayroong P964,703,000 na pondo.

Humingi naman ng tulong ang CHR sa Kongreso para irekonsidera ang proposed budget. RNT/JGC