Mas malamig na panahon aasahan – PAGASA

Mas malamig na panahon aasahan – PAGASA

January 13, 2021 @ 10:38 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aasahan na ang mas malamig na panahon ngayon buwan hanggang Pebrero dala ng amihan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bumagsak sa 18 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.

Maaari pang bumaba sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City ngayong buwan mula sa 10.4 degrees Celsius pinakamababang naitala sa lungsod.

Ito ay dahil sa malamig na hangin na mula sa Siberia na nagpapalamig sa bansa tuwing Enero at Pebrero.

Naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila noong Pebrero 4, 1987 at Disyembre 30, 1988 na bumagsak sa 15.1 degrees Celsius ayon sa datos ng PAGASA.

Sa Baguio naman ay nakapagtala ng 6.3 degrees Celsius noong Enero 18, 1961. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...