Mas marami pang rebelde, target sagipin ng NTF-ELCAC

Mas marami pang rebelde, target sagipin ng NTF-ELCAC

January 30, 2023 @ 3:49 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Determinado ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na makapagsagip pa ng mas maraming rebelde at mabigyan ng pagkakataon na makasamang muli ang kani-kanilang mga pamilya.

Ito ang plano ng task force ngayong taon kasabay ng pagpupulong ng 12 national clusters nito noong Enero 27.

“(National Security Adviser) Secretary (Eduardo) Año issued his ways forward guidance and direction in strengthening the National Task Force’s whole-of-nation mechanisms and convergence efforts to ensure the realization of the aspiration and directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to finally achieve lasting and inclusive peace and development for all,” pahayag ng NTF-ELCAC nitong Linggo, Enero 29.

Iprinesenta rin sa pagpupulong ang mga plano at programa ng ahensya na “resolve to rescue more rebels and provide them with holistic support so they may rejoin their loved ones in the communities and contribute to the betterment of society.”

Nagpahayag naman ng kumpyansa si Año sa roadmap ng NTF-ELCAC.

Kasabay nito, nanumpa ang national clusters ng kanilang commitment para sa full reconciliation at reintegration ng bawat “friend rescued” (FR) masasagip lalo na sa mga liblib na barangay.

Ang FR ay tumutukoy sa mga miyembro ng New People’s Army at iba pang communist movement na sumuko sa pamahalaan.

“Secretary Año underscored the significant role of cluster agencies in providing timely and appropriate support for and taking the initiatives to mainstream the various development interventions in identified conflict-affected barangays and sustain the significant gains made by the NTF-ELCAC since its creation on December 4, 2018,” pagdidiin pa nito.

“(This) proves the nation’s collective dedication to fulfilling the covenant of security, peace, and prosperity for the Filipino people.” RNT/JGC