Mas marami pang turista papapasukin sa Baguio

Mas marami pang turista papapasukin sa Baguio

December 13, 2021 @ 12:25 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Dagdagan pa ng Baguio City ang turistang darating araw-araw sa pagsapit ng Pasko, ayon sa opisyal.

“They will observe the triage situation this weekend. Kapag makita nila na okay, makakayanin, may possibility. Pero they will announce pa as soon as okay,” ani Baguio City information officer Aileen Refuerzo sa isang panayam.

Sa kasalukuyan, nasa 4,000 ang pinapayagang turista araw-araw na makapasok sa Baguio City sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang mga nais pumasyal sa Baguio ay kailangang magparehisto at magtungo sa https://visita.baguio.gov.ph/ kasabay ng pagpresenta ng QR code at vaccination card. RNT/FGDC