Mas maraming alokasyon ng COVID vaccine sa mga probinsya inapela

Mas maraming alokasyon ng COVID vaccine sa mga probinsya inapela

July 12, 2021 @ 12:19 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Umapela ng dagdag alokasyon sa bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) para sa mga probinsya upang maturukan ang mga nasa A4 category.

“Ang pakiusap namin bigyan ng more allocation ‘yung provinces, number one. And number two, the NCR + 8 has been authorized to inoculate A4. Sa mga probinysa hindi pa po. Sana mapayagan,” sinabi ni ULAP president at Quirino Governor Dakila Cua sa ANC.

Giit nito na dapat pagtuunan ng pansin ang pagbabakuna sa mga probinsya sa pagtaas ng kaso ng sakit.

Kamakailan, sinisi ni Iloilo City Mayor Geronimo Treñas ang kakulangan ng suplay ng bakuna ang pagtaas ng COVID cases sa Western Visayas.

Ikinonsidera ng OCTA Research ang Davao, Iloilo, General Santos, Cagayan de Oro, Baguio, at Tagum bilang “areas of concern.”

Sa huling tala, mahigit 20 milyon na ang suplay ng bakuna sa bansa kung saan halos 12.7 milyon sa mga ito ay naiturok na. RNT/ELM