COVID emergency sa US tatapusin na sa Mayo 11

January 31, 2023 @1:52 PM
Views: 4
UNITED STATES – Sinabi ni United States President Joe Biden nitong Lunes, Enero 30 na tatapusin na nila ang COVID-19 emergency declarations sa Mayo 11.
Ito ay makatapos ang tatlong taon na ang naturang bansa ay nasa ilalim ng mahigpit na mga restriksyon dahil sa pandemya.
Kung babalikan, noong 2020 ay inilagay ni dating Pangulong Donald Trump ang COVID-19 national emergency at public health emergency (PHE).
Pinalawig naman ito ni Biden sa kanyang pag-upo, kung saan milyon-milyong mga Amerikano ang nakatanggap ng libreng COVID testing, bakuna at treatments.
Sa pahayag naman ng Office of Management and Budget (OMB) ng White House, nakatakdang mapaso sa mga susunod na buwan at maaaring paliwigin hanggang Mayo 11 at tatapusin na ito.
“This wind-down would align with the Administration’s previous commitments to give at least 60 days’ notice prior to termination of the PHE,” pahayag ng OMB sa kanilang administration policy.
Sa ngayon, ang pamahalaan ng Estados Unidos ang nagbabayad sa mga bakuna kontra COVID-19, gamutan at testing ngunit sa oras na matapos na ang deklarasyon ng PHE, ililipat na ang gastusing ito sa mga private insurance at government health plans.
Kung ikukumpara noong mga nakaraang buwan, mas bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa US bagama’t nakapagtatala pa rin ito ng mahigit 500 katao na araw-araw ay namamatay sa nasabing sakit. RNT/JGC
Vergeire sa pagiging DOH chief: ‘I am ready’

January 31, 2023 @1:39 PM
Views: 8
MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na handa siya kung sakaling siya ang maitalaga bilang susunod na Kalihim ng Kagawaran.
“Right now, I think based from these six months or more, I am ready. But the hesitancies are there, but sa tingin ko, baka kailangan ako ng Pilipino,” sabi ni Vergeire sa ANC nang tanungin kung handa siyang maging kalihim ng Kagawaran.
Nauna nang sinabi ni Vergeire na ipapaubaya niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung siya ay itatalaga o hindi.
Dagdag pa, nais nitong ipagpatuloy ang kanyang serbisyo sa publiko kahit pa pagkatapos ng higit anim na taong termino o hanggang siya ay magretiro.
Itinalaga si Vergeire ng Pangulo bilang DOH OIC noong Hulyo 14, 2022.
Nananatiling bakante ang posisyon ng DOH secretary mula nang manumpa bilang Pangulo ng Pilipinas si Marcos noong Hunyo nang nakaraang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
DOH, BAI nagbabala vs frozen eggs

January 31, 2023 @1:26 PM
Views: 18
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko na iwasang bumili o kumain ng mga frozen egg na ibinibenta na sa ilang mga pamilihan sa bansa.
Ayon sa dalawang kagawaran, posibleng magdulot ito ng food poisoning dahil delikado ito sa Salmonella at E. coli bacteria.
Sa pahayag, hinimok ng DOH ang publiko na siguruhing maayos ang paghahanda ng mga pagkain upang maiwasan ang kontaminasyon sa mga ito, kasunod na makatanggap sila ng ulat na mas gusto nang bumili ng frozen eggs ang mga tao dahil mas mura ito.
“Frozen eggs can be a source of contamination and eventually cause food poisoning since raw foods are suitable for the growth of Salmonella bacterium and Escherichia coli (abbreviated as E. coli),” ayon sa DOH.
“These bacteria are known to cause infection, diarrhea (which can be severe and bloody), stomach pains, fever, nausea and vomiting,” dagdag pa.
Samantala, sinabi rin ni BAI spokesperson Arlene Vytiaco na hindi ligtas kainin ng tao ang mga itlog na binasag na.
“Sa surface ng shell, puwedeng may bacteria na pwedeng pumasok sa loob if the shells are cracked,” pagbabahagi ni Vytiaco sa panayam ng DZBB.
“Ang number one na bacteria talaga dito is salmonella which causes typhoid fever, etc.,” dagdag pa.
Nakikipag-ugnayan na umano sila sa DOH kaugnay ng isyung ito.
Bilang pagtatapos, nagpaalala ang DOH na kung bibili ay siguruhin munang malinis, walang bitak, maayos ang kulay at walang masangsang na amoy ang itlog na bibilhin.
Dapat ding lutuing mabuti ang itlog bago kainin.
Maliban sa DOH at BAI, maging ang Philippine Egg Board Association (PEBA) ay hindi sang-ayon sa frozen eggs dahil bagsak ito sa kanilang pamantayan. RNT/JGC
DFA todo-kayod sa pagpapauwi sa Pinoy human trafficking victims sa SEA

January 31, 2023 @1:13 PM
Views: 22
MANILA, Philippines – Puspusan na ang ginagawang paraan ng Department of Foreign Affairs para mapauwi ang lahat ng mga Filipino sa mga bansa sa Southeast Asia na biktima ng mga itinuturong
human trafficking syndicates.
“The Department of Foreign Affairs continues to exert all efforts for the repatriation of Filipino victims of illegal trafficking in Southeast Asia,” saad sa pahayag ng DFA nitong Martes, Enero 31.
“This includes the situation in Myanmar, where the DFA is coordinating with local law enforcement officials for the repatriation of a number of Filipinos who were rescued by Myanmar authorities from their worksites in Myawaddy,” dagdag pa.
Anang Kagawaran, isa sa mga tinutulungan nila ay si Kiela Samson, isang Pinoy na nasa Myanmar.
“Among the Filipinos whose repatriation we are working on is Ms. Kiela Samson, whose family members are now directly in touch with our Embassy in Yangon,” saad nito.
Samantala, nagpaalala naman ang DFA sa mga Filipino na nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa na makipag-ugnayan muna sa Philippine Overseas Employment Administration.
“While we will continue to do what we can, we reiterate the call of all Philippine government agencies for Filipinos wishing to work abroad to follow POEA regulations and be duly registered as OFWs instead of leaving the country as tourists,” pagbabahagi pa ng DFA.
“Recruiters who promise Filipinos jobs abroad, if they pretend to be tourists and evade our controls, are just leading our kababayans to dangerous situations where it may be very difficult to secure their safety and assist them in returning home,” babala ng ahensya.
Matatandaan na noong Nobyembre, nasa 47 indibidwal ang nabiktima ng human trafficking at humingi ng tulong sa DFA para sa repatriation.
Inilantad din ni Senador Risa Hontiveros ang insidente kung saan
12 OFWs ang nasagip mula sa isang Chinese syndicate na naka-base sa Myanmar matapos na pwersahang pagtrabahuhin ang mga ito bilang crypto-scammer sa nasabing bansa. RNT/JGC
Inflation inaasahang mataas pa rin ngayong Enero – BSP

January 31, 2023 @1:00 PM
Views: 22